MABALACAT CITY – Kasabay ng pagdiriwang ng pista ni San Isidro Labrador sa Barangay Tabun noong May 15, 2013, binendisyunan ang humigit kumulang pitumpung bahay sa FIESTA Communities Mabalacat (FCM) na sinundan naman ng Fiesta ng Palaro, isang programang nagtatampok ng mga kinagisnan at makabagong paligsahang pang bata at pang matanda.

Sabay-sabay binendisyunan ni Fr. Sonny Pajed ng Immaculate Conception Parish ang bahay ng mga homeowners.
Ayon kay Nerwin Kielley, Project Officer ng FCM, isang paraan ang proyektong ito para mas mapadali ang proseso ng pagbebendisyon ng bahay ng mga homeowners. Imbis na magpaparehistro at kumuha ng schedule ang mga homeowners sa bayan, maari silang magparehistro sa FCM sales office para makasama ang bahay sa mga bibendisyunan. Dagdag pa ni Kielley na sa pagka-swak sa convenience ng Mass House Blessing, lampas 50 pamilya ang kaagad na nagpatala sa kanila noong unang araw pa ng registration.
Matapos ang halos 4 na oras, at ang pagbibendisyon ng mayroong 73 na kabahayan, pinagpatuloy ang pagdiriwang ng pista sa Bayanihan Social Hall para naman sa Fiesta ng Palaro.
Kasama sa mga tradisyunal na Larong Pinoy ay ang pabitin at pukpok palayok. Ang lemon roll, Apple Stacking, at Don’t Move the Joker naman ay ilan lamang sa mga dayuhan at makabagong linaro ng mga kalahok.
Ayon kay Karen Cunanan, Project Head ng Fiesta Communities sa Mabalacat City, ang mga community events kagaya ng Fiesta ng Palaro ay isang paraan kung saan nagkakakilanlan ang mga magkaka-komunidad. “Nahahasa din ang sportsmanship at unity ng mga homeowners” dagdag pa ni Cunanan.
Pinatotoo nanaman ng Fiesta Communities ang pangako ng kanyang pangalan, na hindi lamang ito gumagawa ng mga de kalidad at abot-kayang bahay, bumubuo din ito ng isang masayang komunidad.