Upang maging handa sa anumang klaseng sakuna ngayong tag-init, ang FIESTA Communities ay nagdaraos ng taunang fire prevention seminar…
Bilang paghahanda sa tag-init, inilunsad ng FIESTA Communites Inc. (FCI) ang taunang FIRE Prevention seminar sa FIESTA Communites Mabalacat (FCM) at Porac (FCP) noong ika-24 at ika-31 ng Marso.
Sa pakikipagtulungan ng Fire Department ng Mabalacat at Porac, ang seminar ay naglalayong ihanda at turuan ang ating mga kaFIESTA sa maaaring aksidente ngayong panahon ng tag-init.
Sa pangunguna ng mga fire marshals na sina Noel Delfin ng Mabalacat at Edward Laki ng Porac, inihanda at tinuruan ang mga homeowners ng mga dapat at hindi dapat gawin kapag may sunog o sakuna.
Game na game na nakiisa at nakinig ang mga homeowners sa nasabing seminar. Tinuruan ang mga ito ng tamang pag-aapula ng apoy at paggamit ng fire extinguisher. Kasabay nito namigay din ng mga flyers tungkol sa tamang paghahanda kapag may sunog.
Ang taunang Fire Prevention seminar, ay ginagawa upang mapangalagaan at masigurado ang kaligtasan ng bawat homeowners ng FIESTA Communities. Dahil ang ang kaligtasan ng bawat homeowners ay ang aming prayoridad. Sa FIESTA Communities, we ♥ community events.