Do you have a limited space to bring your dream garden to life? Subukan ang urban gardening. Find out how.
Ang paghahardin o paghahalaman ay isang gawain—ang sining ng pagpapalago ng halaman—na kadalasang ginagawa sa labas o loob ng bahay, sa puwang na tinatawag na hardin. Maganda magtanim sa hardin o sa malawak na bahagi ng bahay na inilaan para sa mga halaman. Hindi din ibig sabihin nito na kung wala kang hardin sa inyong tahanan ay hindi na din maaaring magtanim o di kaya ay mag alaga ng halaman. Bagaman madalas na makikita ang mga hardin sa lupa na nasa loob, palibot o katabi sa isang bahay, maaari din matagpuan ito sa ibang lugar katulad sa bubong, biranda, sa mga lalagayang kahon ng mga halaman, atrium at patio.
May mga paraan ng pagtatanim na pwede nating gawin kahit limitado ang ating espasyo sa bahay. Ang isang halimbawa nito ay Urban Gardening. Ano nga ba ang urban gardening?
Ang Urban gardening ay isang paraan ng pagtatanim sa isang limitado at maliit na espasyo ng inyong tahanan. Ginagamitan ito ng mga paso at hanging pots na gawa sa mga recycled materials gaya ng magazine, pinutol na PVC type, plastic container galing sa mga gamit na bote ng softdrinks at iba pang liquid container na gawa sa plastik.
Narito ang mga paraan sa paggawa ng mga recycled paso.
Sa paggawa nito, sundin lamang ang mga sumusunod:
Para naman sa plastic container, narito ang mga kakailanganin:
Narito naman ang paraan kung paano ito gagawin:
Kung ready na ang mga plastic containers at magazine pots na inyong nagawa ay maaari na tayong magsimulang mag-gardening.
Narito ang ilang paalala:
Ihanda na ang mga binhi na gusto mong itanim sa mga recycled pots na iyong nilikha. Kailangan din na mamasa-masa o moist ang lupa pag nagtatanim. Hindi pwede kung masyadong itong tuyo at ganoon din naman kung sobrang basa. Kailangan ay kainaman lamang ang looseness at humidity ng lupa para makahinga at makakapit ang punla. Pag ang lupa’y tuyung-tuyo, kailangan munang diligan iyon ng kung ilang araw. Pag basang-basa naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi, alinman sa malulunod o maaanod ang binhi.
Bawat punla o binhi ay may kanya-kanyang lalim ng hukay pag itinatanim. Mayroong pananim na isa’t kalahating pulgada lang ang kailangan. Mayroon namang binhing anim na pulgada ang dapat na lalim. May kanya-kanya silang pangangailangan para mapatubo at mapasuloy. Pag masyadong mababaw ang pagkatanim, baka ang mga punla ay tukain lang ng mga dumaraang ibon at manok. Pag masyado namang malalim, baka isang buwan na ay di pa nasisilayan ang mga suloy nila.
Dapat ring tandaan ang regular na pagdidilig ng mga halaman. Ang dalas ng pagdidilig at ang dami ng tubig na pandilig ay depende sa tanim. May mga halamang-gulay na kailangang diligan araw-araw. Mayroon din namang makalawahan lang. Mayroong halamang dalawang beses lang sa isang linggo kung diligin at nabubuhay na ng ayos. Mayroon ding isang beses isang linggo lang ang kailangan.
Ang paggagamas o weeding out ng mga damo sa paligid ng halaman. Mahalaga ang gawaing ito sapagkat kung hindi gagamasin ang mga damo, matatalo nila ang mga tanim na halaman.
Ang paglalagay ng pataba sa mga pananim ay di rin dapat kalimutan. Mas mabuti kung organic ang gagamitin sapagkat ang mga iyon ay patabang galing din sa kalikasan at mas kakaunti ang harmful chemicals na nakasama.
May mga iba’t-ibang klase din ng mga halaman ang Maaari mong itanim sa iyong mga nagawang paso. Ilan sa mga ito ay ang malunggay na masarap na masustansiya pa. Ang pandan na mabango kung isasama sa sinaing, ang dahon ng sili na nakakatulong magpababa ng blood pressure, at oregano na isa namang halamang gamot. Maaari mo din itong taniman ng kamatis at sili.
Pero kung dekorasyon sa bahay ang trip mo, swak naman ang mga mini roses, cactus o iba pang malilit na halamang namumulaklak.
Sabi nga sa isang kanta, ang magtanim ay hindi biro. Marami-rami ang kailangang gawin at pagdaanan para itanim, alagaan at palakihin ng tama ang mga halamang-gulay. Hindi pwedeng laru-laro lang ang gawaing ito o gagawin lang kung kailan maisipan o maibigan ng isang tao. Pag naumpisahan na, kailangang tuluy-tuloy ang pagtatanim at hindi dapat pabayaan ang mga halaman. Ang kapalit ng pagtitiyaga at pagsisikap na bungkalin ang lupa at palaguin ang mga tanim ay ang katiyakang sa bandang dulo, ang nagtanim ay mayroong malulusog na bunga at ugat na aanihin.