Pagdating ng tag-ulan sa Pilipinas, madalas natin naririnig ang mga babala tungkol sa kagat ng lamok, pagiging malinis sa sarili, at pag-iwas sa maruming tubig. Ito ay dahil ang rainy seasons dito sa atin ay matatawag rin na 'dengue season'.
Hindi dapat tayo nahuhuli sa mga impormasyon, lalo na kung ito ay tungkol sa health and safety natin at ng ating pamilya. Kaya narito ang handog sainyo ng FIESTA Communities - Ang 3 EASY S's (EASY C's) tungkol sa DENGUE:
Ang dengue ay isang sakit na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti na may dalang dengue virus.
Sila ay mas madalas nangangagat sa araw (o day biter) at mas napapansin ang mga magagalaw na biktima. Sila rin ay nangingitlog sa mga malinaw at hindi dumadaloy na tubig.
Ito ay dahilan kung bakit madalas mabiktima ang mga bata at bakit kailangan nating bantayan ang mga naiipong tubig sa ating mga bahay.
Ang mga palatandaan at sintomas ng dengue ay lumalabas pagkatapos ng lima (5) o anim (6) na araw matapos makagat ng lamok.
Maraming sintomas ang dengue, ngunit ang pinakamadaling mapansin ay ang sumusunod:
Maraming pwedeng gawin para maiwasan ang dengue, tulad ng paggamit ng insecticides, tamang pagtapon ng mga basura, paggamit ng insect repellant lotion, pagbantay sa mga matutubig na lugar na pwedeng maging tahanan ng lamok, at iba pa.
At paano naman kung ikaw ay may dengue fever na?
Walang gamot o vaccine para sa dengue virus, ngunit mayroong tinatawag na 'Supportive Treatment' o ang paggamot ng lagnat, paginom ng maraming tubig, at marami pang iba. Kailangan rin ay pumunta agad sa doktor at mag pa-check up.
Hindi lang yan, dahil marami pang kailangan malaman tungkol sa dengue.
To know more, pumunta na sa aming FIESTA Kontra Dengue event in partnership with the Department of Health sa darating na July 13 (Wednesday) sa FIESTA Communities Mining at July 20 (Wednesday) sa FIESTA Communities Tabun.
For inquiries or questions, maari niyo kaming tawagan sa 045-625-7112.
Kung nais mong tumira sa isang ligtas, malinis, at maaliwalas na komunidad, FIESTA Communities ang tamang-tama para sa iyo. Sa abot-kayang presyo at maagap na serbisyo, maging ka-FIESTA na!